Do’s and Dont’s

e-Loading

Do’s:

  • Gumamit ng gateway na angkop sa iyong rehistradong numero.
  • Siguraduhin na merong sapat na balance bago magtransact.
  • Siguraduhin na tama ang detalye ni customer bago loadan.
  • Kung hindi nakareceive ng confirmation sa transaction, ipa-check ito sa customer service para maiwasan na madoble ito.
  • Ugaliing magcheck ng status ng ating loading services sa status.loadmanna.ph
  • Gamitin palagi ang online transaction ng ating application para makatipid at maka-iwas sa mga aberya sa telco.

Dont’s

  • Iwasang mag-process ng transaction kung hindi pa nagbabayad si customer.
  • Iwasang gumamit ng repeat transaction kapag hindi sigurado kung na process ang transaction. Ipa-check ito sa customer service para ma-iwasan ang issue sa transaction.
  • Huwag magload ng transaction na meron decimal.

Remittance

Do’s

  • Siguraduhin na tama ang detalye ni customer bago gawin ang transaction.
  • Siguraduhin na meron sapat na balance bago magtransact.
  • Siguraduhin na tama ang hakbang na ginagawa sa mga transaksyon sa remittance. Sundan ang instruction na nakalagay sa Loadmanna app para ma-iwasan ang maling proseso.
  • Kapag hindi sigurado kung na-process na ang transaksyon, ipa-check ito sa customer service para ma-iwasan ang dobleng transaksyon.
  • Ugaliing magcheck ng status ng ating remittance services sa status.loadmanna.ph.
  • Siguraduhin na tama ang inilagay na detalye sa Replenishment request para maproseso ito ng walang aberya.
  • Siguruhin na P100 pataas ang iyong cash-in request dahil hindi pina-process ng ating Bank Partners ang anumang cash-in request na mas mababa sa P100.

Dont’s

  • Iwasang mag-process ng transaction kung hindi pa nagbabayad si customer.
  • Iwasang gumamit ng repeat transaction kapag hindi sigurado kung na process ang transaction. Ipa-check ito sa customer service para ma-iwasan ang issue sa transaction.
  • Huwag magload ng transaction na meron decimal
  • Huwag ibigay ang iyong OTP, lalo na kung ka naming transaction ng cash-in or cash-out.
  • Iwasan mag bayad ng due date na bills dahil posibleng hindi ito maprocess ng Loadmanna Partners natin. Siguraduhin na merong 1 – 2 araw na pagitan bago mag-overdue ang bill para maprocess ang transaction.
  • Iwasan ang pagsend ng mga deposit slip sa inyong mga social media account. Dahil maaring kunin ito at gamitin ng ibang miyembro para sa replenishment request.

Account Security

Do’s

  • Tandaan o ilista ang username at password.
  • Ugaliing mag-palit ng password (recommended every 60 days)
  • Ugaliing mag-check ng inyong transaction history para makita kung mayroong .
  • Ugaliin palagi updated ang inyong aplikasyon.
  • Mag-ingat sa mga pekeng facebook page o website.
  • Gumamit ng malakas na password
    • Hangga’t maaari ay gumamit higit sa 8 letra or numero.
    • Hangga’t maaari ay gumamit ng malaki or maliit na letra.
    • Hangga’t maaari ay gumamit ng special na character sa iyong password.

Dont’s

  • Iwasang magbigay ng detalye ng account kahit kanino man.
  • Iwasang gumamit ng personal na impormasyon bilang password (Halimbawa: Birthday, Address)
  • Iwasang i-save ang password sa mga pampublikong computer o device.
  • Iwasang magtitiwala sa kahit sino man, na nanghihingi ng inyong detalye.
  • Kahit kailan hindi manghihingi ng OTP, Password or ibang maselan detalye ang Loadmanna Customer Service Representative.
  • Iwasan ang maling paggamit ng mga social media: Mag-ingat sa mga impormasyon na ibinabahagi sa mga social media platform. Iwasan ang pagpost ng personal na impormasyon tulad ng petsa ng kapanganakan, mga address, o impormasyon na maaaring magamit upang magamit o ma-hack ang iyong account.
Scroll to Top